Join our community
Building God's House God's Way
Nagsimula ang gawain sa Tarlac City sa isang awitan sa bahay ng isang Cruz family sa San Nicolas, Tarlac isang araw noon 1956. Nagkainteres ang napadaan lang at nakinig ng kantahan, na nauwi sa Bible study sa Saludez family house. Nang sumunod na tao ay naorganisa na agad bilang isang iglesya ang mga believer! Kaybilis lumago ng gawain, nagkasikipan na sa dating sancutary pero may kalakip na holy jelousy dahi; mas marami pa rin yatang dumadalo sa sambahan ng mga higit na nagtitiwala sa nanay ni Jesus kaysa sa Kanya, o sa mga naniniwalang hindi Diyos si Jesus.
Nabuo kay Bishop Frank Santos ang isang pangitain upang handugan ang Panginoon ng isang bahay-sambahang sasalamin sa Kanyang kadalikaan at kapangyarihan, sa pamamagitan lamang ng mga matitibay sa pananampalataya at masunurin sa Diyos. Tunghayan natin ang salaysay kung paano kumilos ang Diyos sa buhay ng Tarlac First Baptist Church sa Building God's House God's Way.
● Author: Frank Santos as told to Armand Canoy
● ISBN / EAN: 4806523178808
● Category: Inspirational
● Publisher: Church Strengthening Ministry, Inc.
● Type: Softbound
● Dimension 5 x 7.75"
● No. of Pages: 155