Join our community
(Mini-book) Higit Kaysa Ginto: Mga Debosyon ukol sa Kaperahan at Pagiging Katiwala Nito
“Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako’y matutong magnakaw, at pangalan mo’y malapastangan.” (Kawikaan 30:8-9)
Tunay ang panalanging ito simula pa noon hanggang sa ngayon! Marami ang nagdurusa dahil sa kahirapan kaya nagnanais ang yumaman. Marami ring mga mayayaman na hindi nasisiyahan kahit sa kanilang katayuan.
Ano ang suliranin? May kasagutan ba?
Kung ito rin ang iyong katanungan, anumanang iyong edad, kasarian o katayuan sa buhay, may mapupulot ka sa Higit Kaysa Ginto: Mga Debosyon ukol sa Kaperahan at Pagiging Katiwala Nito na makakatulong at maisasabuhay mo.
Iba’t iba man ang ating mga karanasan, subalit hindi nagbabago ang mga prinsipyo ng Diyos sa pamamahala ng kaperahan at ari-arian. Hanapin sa aklat na ito ang mga prinsipyo ng Diyos upang mamuhay sa tunay na katagumpayan.
-------------------------
Higit Kaysa Ginto: Mga Debosyon ukol sa Kaperahan at Pagiging Katiwala Nito
Author: Beth Mortiz Flores
ISBN: 4806523176736
Book Cover: Softbound
Product Dimension: 4 x 6 inches
Pages: 230
Financial Stewardship